Minsan di ko alam kung anong iisipin ko. Katatapos lang namin gawin ang project sa Filipino, pero hanggang ngayon… hindi parin ako over dito…
Nagkaroon kami ng research sa kahirapan… Kung makikita niyo lang ang statistics… grabe. haayst. pakiramdam ko… malubha na talaga. dagdag pa sa hirap ng loob ko dahil ako ang gumawa ng video. Hindi masama ang loob ko na ako ang gumawa ah, kundi… ako pa kasi ang nakakita ang nakapanood ng documentary tungkol sa kahirapan.
ambigat. families eating rice with salt as flavoring. just that. nothing else. “solve” na daw sila dito…
Samantalang ako, kain ng kain ng cake. Gastos ng gastos ng pera… sa isang araw… ang P175 nila hindi kasya para sa akin… pero sa kanila, malaki laki na rin iyon. maaring pantawid gutom na. isipin ninyo pa ito. 5 sila sa pamilyang iyon. pinagkakasya ang isang latang sardinas… at kalahating kilo ng bigas.
amputa. sorry for the word. pero… alam niyo yun. PWEDE PALA ANG GANOON. Iba nga naman talaga ang sinuwerte sa buhay. Kaya ako galit sa mga nagsasayang dito. NAGING MAYAMAN LANG SILA, DAHIL SA MAGULANG NILA… Hindi dahil sa kanila ang perang iyon. Oo, inaamin ko naman eh… Magastos ako, pero… never did I take for granted what God gave me. Naappreciate ko yun.
Everyday, He reveals Himself to me. Minsan, masakit… Minsan, masaya… Ewan. He works His wonders. And I… I am continuously amazed by it.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.